Linggo, Mayo 20, 2012

NAKAKATAWA KONG KARANASAN SA MGA DAMIT

      Bawat tao ay may kanya-kanyang paraan ng pagpili ng damit depende sa pag-uugali at pagkatao meron ito. May iba na mahilig sa itim, meron din naman simple pero rock, meron namang pasosyal, daring, at minsan katsipan. Kung ako ang tatanungin kung ano ang hilig ko, simple lamang na mga damit basta't ang mahalaga lang sa akin ay maisusuot ko ito.

      Sa mga paglipas ng mga taon ay mayroong pumapatok at lumalaos na estilo sa pananamit. Noong nakaraang dalawang taon ay uso ang pananamit na EMO, yung lahat ng damit ay puro itim pati na rin ang mga kuko, ewan ko nga ba bakit nauso ang ganyan na pananamit. Hindi ko gusto  ang ganoong uri ng pananamit dahil sa tingin ko ay parang napakalungkot at nababaduyan ako. Nauso na rin sa ngayon ang damit na checkered at ang mga personalized na mga print na kapwa patok sa mga babae at lalaki. Ang personalized na damit ay naaayon sa kagustuhan ng mamimili kung ano ang desinyong gusto niya yaon ang ginagawa ng printing press.

       Mahilig din ako sa mga damit na magaganda sa aking paningin, simple lang naman ang basihan ko sa pagpili ng damit kahit medyo manipis ang tela basta cute ang kulay at ang print, ok na rin. Minsan nga noong pumunta ako sa Ace, wala naman sa aking plano ang bumili ng damit ay nagkainteres ako sa damit na sinusuot ng manikin. Cute kasi tingnan at sexy pa (ang manikin, ewan ko lang sa akin). Tinawag ko ang saleslady dahil gusto kong bilhin, tanong niya kung gusto kong isukat, sinagot ko siya ng oo at tinanong ko na rin kung magkano, sinagot niya naman ako na 499 pesos daw. Natawa nalang ako kasi wala pang kalahati ang pera ko, kaya ayon hindi ko nabili.

       Mahilig talaga akong bumili ng damit na suot ng manikin, yon nga lang nakakahiya kasi minsan naalala ko noong pumunta ulit ako ng Ace para magpalamig lang naisip kung dumaan sa department store. Mga halos 15 minuto na akong naglalakad ng mapansin kong magkatulad kami ng manikin ng damit. Hiyang-hiya ako,hindi ko alam kung may nakakita sa akin na ibang tao, dagdag pa dyan mas sexy manamit ang manikin kaysa sa akin. Kaya dali-dali na akong umalis doon, sobra ang tawa ko noon, 1st time kasi nangyari sa akin yon.

Narito ang mga ilang damit na uso sa ngayon: