Lunes, Mayo 14, 2012

ANG KARANASAN KO SA KAGUSTUHANG MAKAPANOOD NG PELIKULA

      Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang dahilan sa pagpili ng mga pelikula na panonoorin. Ang una dito ay ang estorya ng pelikula at ang kalidad ng mga graphiko kung ito ba ay mukhang makatotohanan sa paningin ng mga manonood. Mga artistang gumaganap sa naturang pelikula, kung iniidolo mo tiyak na tatangkilikin mo ito.

      Tulad ko naganyak akong manood ng pelikulang "Corazon Ang Unang Aswang" dahil nga sa mga artistang nagsiganap sa naturang pelikula at sa komento na rin ng mga taong unang nakapanood nito. Ang pelikulang ito ay horror, suspense, at may bahid ng pag-ibig, dahil sa ako ay hindi nag-eenjoy na manood mag-isa kaya naman naisipan kong yayain ang aking kaibigan at ang kanyang pamangkin na labindalawang taong gulang pa lamang na samahan akong manood.

      Pagdating namin doon ay nagulat na lamang ako ng mapagtanto kong Rated 13 pala ang palabas, ngunit dala na rin sa kagustuhan kong manood at sa aking katigasan ng ulo ay naisapan kong dayain na lamang ang edad ng pamangkin ng aking kaibigan. Tinuruan namin iton na kung tatanungin siya ng gwardya tungkol sa kanyang edad at kung anung taon na siya sa high school at sabihin nitong labing-apat na taong gulang na siya at nasa unang taon na sa high school. Ok na ang aming plano at naka pag rehearsal na rin kami.

         Nang makabili na kami ng ticket at meryenda ay pumunta na kaming tatlo sa harap ng Cinema 1, pinigilan kami ng gwardya at nag-umpisa na siyang magtanong, una niyang tinanong sa pamangkin ng kaibigan ko kung ilang taon na ito, syempre dahil sa nakapagrehearsal na kami sinagot niya ito ng "14 po ang edad ko, 1st year high school." Nakahinga kmi ng maluwag dahil kuhang-kuha nito ang sagot, ngunit nagtanong ulit ang gwardya kung anong taon ito ipinanganak, kinabahan kami kasi wala sa rehearsal yon, ang dami-dami pa namang tao. Hindi siya nakasagot, kaya ayon nagtaka ang gwardya na sa edad nitong 14 at 1st year na ay hindi pa alam ang taon kung kailan siya ipinanganak. Grabe hiyang-hiya kami ng hindi kami pinapasok, dahil hindi daw totoo na 13 anyos ang kasama naming bata. kaya naman pinayuhan na lamang kami na iba nalang daw ang panoorin. Iyon na yata ang isa sa mga pinakahihiyang araw sa buhay ko, pinagpawisan din ako noon sa hiya.

       Ngunit sa kagustuhan talaga na mapanood ang pelikula ni Erich Gonzales at Direck Ramsey ay pinauna nalang naming umuwi yong kanyang pamangkin, inihatid namin siya sa terminal.Kahit napahiya kami ay nanood pa rin kami, dahil hindi ko mapapalampas ang pelikulang yon. Sa huli natawa na lamang kami ng kasama ko sa aming ginawa, sa tingin ko ganun na talaga kapag may kinahuhumalingan ka. Ginagawa ang lahat ng paraan para makita o mapanood ang isang pelikula sa loob ng sinehan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento