Sinubukan ko ang EDC (Eau De Cologne) na pabango, nakabili ako nito sa may Ace Centerpoint at may isa doon na nakakuha ng aking interes upang bilhin, kaya naman matapos kung subukan lahat ng kanilang mga produkto, dahil nga sa nahuhumaling ako kaya dalawa ang aking kinuha mura lang naman kasi dalawang pabango sa halagang 100 pesos. Pagdating sa bahay ay sinubukan ko agad na gamitin. Sa unang spray pa lang ay naaamoy ko na ang bango nito. May nakapagsabi nga sa akin na mabango raw yong cologne ko. Syempre ako naman ay tuwang-tuwa at abot hanggang tenga ang aking ngiti, iyon nga lang mga tatlong oras lamang ang itinagal nito.
Ok na sana ang lahat subalit may isa akong kaibigan na natatangay ng hangin ang kanyang pabango, gusto ko rin na magkaroon ng ganoong uri ng pabango dahil sa matagal itong mawala, natatangay pa ng hangin. Nagbago na naman ang aking panlasa at nawalan na ako ng interes sa dati kong ginagamit. Tinanong ko sa kanya kung anong perfume ang gamit niya, sinagot niya naman ako na Ever Bilina raw, kaya naman bumili rin ako nito. Sa una nakontento ako sa amoy nito ngunit makalipas ang mga tatlong araw nag-iba na naman ang aking interes sabi ko hindi ito ang gusto kong uri ng pabango.
Nagresearch ako sa google tungkol sa mga pabango at EDT (Eau De Toilette) Vaporisateur daw ang isa sa mga uso ngayon sa mga kababaihan. Napaisip tuloy ako kung meron bang ganoon dito Marbel. Kaya ayon nagcanvass nalang ako ng pwede kong pagpilian merong Playboy for women, mabango ngunit mahal masyado piso na lamang at limang daan na, meron ding Juvan Mush for women kaso nga lang masyadong maanghang hindi ko type, wala sa karakter ko ang ganitong uri ng pabango at ang presyo nito ay malapit na sa isang libo parang isang sako na ng bigas, 300 lang naman ang budget ko.
Umuwi akong laglag ang balikat dahil sa hindi ko nabili ang gusto kong pabango. Pababa na ako ng KCC ng mapansin ko ang booth ng Aficionado. Pagkabasa ko pa lang ng Aficionado ay rumehistro agad sa aking isip ang Joel Cruz signature na pabango na dati ng inaadvertize ni Willie Revillame. Sabi ko sa sarili masubukan nga kahit mahal siguro atleast I try. Sinubukan ko at dalawang klase ng Aficionado ang nagustuhan ko, F35 at F16 ngunit isa lamang ang nabili ko dahil 250 ang isa sa bawat 85 ml, kulang na kulang ang pera ko. Binili ko na lamang ang F35 ng maubos na ang F16 na una kung binili.Kaya naman hanggang sa ngayon ito pa rin ang gamit ko.
Narito ang ilan sa mga pabango na patok ngayon:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento