Hindi maikakaila na kaliwa`t kanan na ang mga social networking na kinaaadikan ng mga kabataan sa ngayon, maliban sa nagkakaroon sila ng pagkakataong makita ang mga kamag-anak nila sa malalayong lugar ay nagkakaroon pa sila ng maraming kaibigan. Ang mga social networking din ang nagiging pampalipas oras nila, at ang nagbibigay ng kaunting kasiyahan sa bawat araw na lumipas sa buhay nila.
Hindi ko sinasabing pangit ang magiging adik sa mga social networking, dahil maging ako ay naaaliw rin sa paggamit nito. Sa kabila ng libo-libong kaibigan ay tiyak ko na hindi lahat iyon ay totoo mong kaibigan dahil halos lahat sa kanila ay pawang mga estranghero pa rin sayo, artipisyal lamang ang relasyon nila. Hindi madaling makakita ng tunay na kaibigan sa social networking dahil karaniwang mga pagkukunwari lamang ang mga identidad nito.
Sana naman sa kabila ng pagtangkilik natin sa mga social networking ay magkaroon pa rin tayo ng kontrol sa paggamit nito, kung nagiging sanhi na ito ng adiksyon at kung nakakasama na ito sayo makabubuti pa na tigilan na lamang ito upang wala kang pagsisihan sa huli. Marami pang mga bagay na pwede mong tangkilikin at gawin na pampalit sa mga social networking tulad ng mga iba't ibang isports.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento