Sa buong parte ng katawan ang mukha ng isang babae ang
siyang unang tinitingnan ng kanyang nakasalubong o di kaya ng kanyang kausap, ang mukha kasi ang unang pinagbabasehan ng tao kung siya ba ay maganda o hindi.
Ang mga kabataang babae sa ngayon ay sobrang conscious na sa kanilang mga
pagmumukha, kahit may kabataan pa ang mukha ay sanay na sa mga produktong pampaganda, mga produktong pampaganda sa mukha, pampaganda sa kutis maging sa buhok.
Patok na patok sa ngayon ang mga produktong gawa sa Tsina dahil mabibili mo lamang sa mababang halaga, kahit sa mga palengke meron nito. Patok din ang mga produktong branded gaya ng glutathione, maxi feel, eskinol, nivea, skin white at iba pang produkto na mabibili mo sa mga drug store at mga mall. Karaniwang may mga kaya ang nakakatangkilik nito at patuloy nila itong ginagamit sa kadahilanang hiyang sila sa produktong ito. Ang mga pangit ay gumaganda at ang mga itim ay pumuputi at kumikinis dahil ito sa patuloy na paggamit ng mga produktong pampaganda.
Kapag pampaganda na ang pinag-uusapan dalawang personalidad ang tiyak na maiisip natin, sila ay sina Vicky Belo at Calayan. Sikat na sikat ang dalawa sa lahat ng mga Pilipinong nagnanais na gumanda ang mukha at maging buong katawan, tested and proven na ang kanilang mga ginawang pagbabago sa buong katawan ng isang babae. May mga nagpaparetoke ng mukha at nagpapaturok na mga gamot upang pumuti ang balat, pwede rin na magpabawas ng taba upang sumikse.
Iba-iba ang naging paraan ng mga babae sa pagpapaganda, may mga gumagamit ng mga produkto na nagkasya na lamang sa mga pag-apply sa mga ito at meron ding pumupunta sa mga doctor at nagpaparetoke ng mukha at katawan. Hindi lamang ang kababaehan ang mahilig sa mga ito maging ang kalalakihan ay tumatangkilik na rin sa mga produktong pampaganda. Nagnanais rin sila na maging kasing gwapo ni Piolo Pascual, ni John Llyod Cruz o ni Coco Martin upang mapansin ng mga babae at matawag silang mga boy next door.
Ang mga babae at lalaking taghiwatin ay nahihiyang makihalubilo sa tao ay nagkaroon na ng tiwala sa sarili ng gumanda at kuminis na ang mukha dahil sa produktong pampaganda. Katulad ko na maraming taghiyawat noon, nang gumamit ako ng sabong gluta at nag-apply ng eskinol at garnier ay unti-unting nawawala ang mga taghiyawat ko. Mabuti na lamang at gumamit ako ng mga produktong ito kung hindi baka marami pa rin akong taghiyawat ngayon.
Kaliwat kanan man ang mga tinatangkilik nating mga produkto ay dapat nating isipin na ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban pa rin, nawa`y matutunan din natin ang makontento sa mga binigay ng Diyos sa atin.
Narito ang ilan sa mga produktong pampaganda:
Ginamit ko ang product ng beauche ng 7 days at napatunayan ko na very effective talaga ang product nila. for more information just click this website
TumugonBurahinhttp://www.beauche-international.com
Gusto ko pumuputi ng buong kong katawan
TumugonBurahin