Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gusto sa buhay, mapamateryal
man na bagay o personal. Mga bagay na nagbibigay sa atin ng mga pandaliang
kasiyahan ngunit hindi magiging kompleto
ang araw natin kung wala ito. Higit sa lahat kung ito ay nakapagdadagdag ng
kompiyansa natin sa ating sarili.
Sa patuloy na pag-angat ng teknolohiya sa ngayon ay dumarami
na ang mga kagamitang nagpapadali ng ating pang araw-araw na gawain, tulad na
lamang ng cellphone, hindi lamang simpleng cellphone ngunit ito pa ay isang “smart
phone”. Kahit ito ay may kamahalan ay sige pa rin sa pagbili ang mga tao, bukod
sa nakakatulong ito sa ating komunikasyon sa pagpapadala ng mga mensahe sa
ating mga kapamilya sa mga malalayong lugar, ito pa ay maraming nagagawa tulad
ng pagvideo, panonood ng tv, pagkuha ng litrato, atbp. Sabi nga nila kung anu
raw yung uso ay yun din ang maganda kaso may kamahalan nga lang.
Hindi matatawaran ang pagkalulong ng mga kabataan ngayon sa
mga cellphone mapamahirap man o mayaman. Katulad na lamang ng pang-araw-araw na
routine ko, inuuna ko pang tingnan ang cellphone ko na buong gabi kong katabi,
ito rin ang huli kong tinitingnan bago aq matulog, sadyang nasa sistema ko na
ito. Malaki rin naman ang naitutulong sa akin nan g cellphone, ginagamit ko itong
pang-text sa mga kamag-anak ko sa Isabela sa Luzon at pati na rin sa Canada at
Cyprus. Nagbibigay din sa akin ito ng kasiyahan, araw-araw ko ng routine ang
pasahan ng GM o group message ang mga kaibigan at kaklase ko. Kapag wala akong load, iniistorbo ko talaga ang pinsan ko para paloadan lamang ako, araw-araw akong unli, minsan nga nagtetext ang mga kaibigan ko na puro na lamang daw mga text at quotes ko ang nakikita nila sa inbox nila, kung ano kasi yong gusto kong quotes pinapasa ko sa lahat, iyon na yata ang kinagiliwan ko.
Hindi naman natin masisi ang mga tao sa pagtangkilik sa mga
branded na cellphone at lalong-lalo na sa mga made in China dahil nga bahagi na ito ng
kanilang pang araw-araw na buhay, ang mga ganitong mga bagay ay lilipas, maglalaho
at mapapalitan din ng bago.
Narito ang ilan sa mga larawan ng mga cellphone na uso ngayon:
Narito ang ilan sa mga larawan ng mga cellphone na uso ngayon:
Trivia Muna!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento