Araw-araw kong sinusubaybayan ang Anime na pinamagatang Special A, alas onse ito ng umaga nag-uumpisa sa Hero channel, kapag di ko ito napanood sa ganung oras ay pinabantayan ko ang oras hanggang mag 4:30 ng hapon dahilmeron itong replay. Hindi talaga nakokompleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapanood ng Special A. Kinikilig kasi ako sa bawat eksena sa Anime na ito, nagagandahan din ako sa kanilang pananamit at kalidad ng dubbing.
Ang mga kinagigiliwan kong mga Cartoon karakter ay sina Tinkerbell, Tanya, Tom and Jerry, Pink Panther, Pooh at Piglet at Hello Kitty. Habang sa Anime naman ay sina Sakura, Lee, Kagome, Inyyasha, Naruto at lahat ng mga karakter sa Special A at Detetive Conan.
Maganda namang manood ng Batibot na gawa ng Pinoy ngunit mas nag-eenjoy ako sa mga Cartoons at Anime na gawa ng ibang bansa, labis na nahuhumaling ang mga kabataan sa ngayon sa Naruto na gawa ng Japan, halos lahat ng kabataan kapag tinatanong mo kung sino ang paborito nilang Cartoon character ay sasagutin ka nila na si Naruto ang kanilang paborito.
Narito ang mga Cartoon at anime karakter na kinagigiliwan ko:
Pooh at Piglet Inuyasha at Kagome
Sakura at Lee Tinkerbell
Hello Kitty Detective Conan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento