Halos lahat ng tao na maykaya at mga nakakaangat sa buhay ay nahiligan na ang mangolekta ng mga bagay na usong-uso sa ngayon kahit mahal pa ito. Nariyan ang mga kaliwa`t kanang mga branded na bags, tulad ng Channel at Louis Vuitton. Halos kalahati ng sweldo nila ay nilalaan nila sa pagbili ng mga kinokolekta nilang mga bags. Tulad ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinky ay hindi mabilang ang koleksyon ng mga Channel bags at pati na rin mga purse. Si Annabel Rama naman na halos dalawang kwartong puno ng iba`t ibang klase ng mga bags na branded at binili niya pa mismo sa iba`t ibang lugar. Nakuha talaga ng mga branded na bags ang kanilang panlasa.

Hindi lamang mga mamahalin na bags ang kinahuhumalingan ng mga mayayaman, maging mga branded na sapatos, damit, mamahaling mga earrings, necklace at bracelet na pawang mga mamahaling mga bato ang nakalagay. Nagiging materialistics ang mga ito, sabagay may mga pera kasi sila na pambili sa mga bagay na ito, ngunit hinay-hinay lamang dahil siguradong lilipas ang panahon na luluma at makakalimutan din ito ng mga tao.
Ako naman ay talagang mahilig sa mga earrings mapapeke man o hindi. Sa unang suot ko pa lamang ay nagagandahan na ako, ngunit ang nakakainis nito ay may allergy ako sa mga earrings maging sa mga necklace, nangangati at nagkakasugat ang aking taenga at leeg kapag matagal kong ginamit ang mga ito kahit na anong pilit ko hindi pa rin ako masanay-sanay sa mga ito, kahit paulit-ulit ko pang lagyan ng alcohol ay hindi pa rin nawawala ang allergy ko.
Iba-iba man ang hilig natin sa buhay, mga bagay na mas mahal pa kaysa sa isang bahay ay huwag na huwag pa rin nating kalimutan na ang totoong yaman ay hindi nakikita sa materyal na bagay bagkus sa mga taong nagmamahal sayo. At kung talagang materialistic kang tao hinay-hinay lang ikaw din baka maadik ka at di na namamalayan na wala ka na palang perang pambili ng luho mo. Kontrol at disiplina pa rin ang kailangan.
Narito ang ilan sa mga bag na uso ngunit mahal:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento